Archive for June, 2006

20
Jun

confessions of an unemployed

Jobdescription_1

I’ve been whining a lot of being unemployed and jobless and bum and whatever adjective I can think of that can describe my current state. I get a lot of different reactions from people ranging from those who are sympathetic enough to those who are simply pissed by my "useless" complaints. Some people say I should take it easy and that the best job will come my way soon. Some people say I’m too mapili when it comes to job hunting. What the hoy! Can I help it if I SIMPLY DON’T WANT TO WORK IN A LAB? Huhu. Can I help it if I don’t want to grow stinking bacteria for a living?! And can I help it if what I really want is a writing job? Sigh. I just knew I have no future in Biology. Pfft. *shakes head* Some of my friends say I worry too much. Some of them (who are already working now, btw) were jobless for months and months. As for me, I’ve had enough bumming around. No more being a couch potato, puhleeease!! Besides, how can I send myself to school next year if I don’t get a decent job?! (For those who don’t have a single clue, I’ll be taking up Journalism next year, HOPEFULLY).

.

Fyi, I’ve had my share of job hunts and jobstreet moments. I’ve been interviewed countless times for a call center position. I turned them down. I actually have an endorsement letter for one popular call center, but I never showed up for the interview.Um, fyi again, I don’t think I can survive being a CSR. For one thing, I’m impatient. I have low tolerance for people who don’t easily get the point. Gets? I don’t want to risk being terminated just because I lose my cool and make kupal the caller. But hey, you’ll never know. Some of my friends who work as call center agents actually enjoy themselves. And then, there are some who just do it for the money. Hmm.

.

I’ve tried applying for jobs that are totally out of my Biology league. I applied for one reason: because I know I can be as efficient as those English majors. But sadly, HR people seem to generalized applicants and their abilities based on the course they took up and whatever fucking degree they have. Bullshit! I had one interview when they were actually surprised that I wanted an English-related job. Hey! Just because I’m a Biology graduate doesn’t mean I can’t do English as much as they can. And just because I majored in bacteria doesn’t mean I can’t write as good as those who majored in literature. Please! I know some Mass Comm graduates who stink in grammar and who can’t even write a decent piece of shit. My blood boils at the thought that those maggots nail the job just because their course fit the job description even if they don’t even know how to write a coherent essay. Grrr! *whacks keyboard*

.

(I’ve lost my train of thought. I’ve been wanting to grit my teeth, but my braces robbed me the capacity to. Ahuhu.)

.

I’ve been asking a lot of questions lately. How long will I be unemployed? How many jobs do I have to apply for before I give in as a call center agent? Will I actually get the job that I want? Or will I just settle for anything? Potah! I can’t wait to go to school again, where I can do what I love doing and maybe even excel in the process. I can’t wait to get the job I truly deserve. I can’t wait to work because I want to, and not because I have to. Gets? My thoughts are already sabog. Hwehe.

Spiritshunta –> hmm.. i feel like it’s my conscience talking. hahaha!!!

06
Jun

condo

“He is the happiest, be he king ot peasant, who finds peace in his own home.”

-         Johann Wolfgang Von Goethe

Aaa June 8, 2005. Lumipat ako sa bago kong “bahay” sa LB. Home away from home, kumbaga. Nung una, di ko pa trip dun, bago pa lang kasi pati ang gulo pa. Di ko pa alam kung san ilalagay ang mga gamit ko at kung pano ko aayusin. Ayoko naman papuntahin ang mga genes dun hanggang di ko naaayos para magmukhang disente. Kaya ayun, mukhang ewan ang itsura. Daig ko pa nasunugan kasi sa garbage bags lang nakalagay mga gamit ko (biglaan kasi paglipat ko dun). Sabi ko na lang sa sarili ko, sariling sikap ito.

Ang kaibigan kong si Karlo ang nagpangalan ng “condo” sa bago kong apartment. Para sosyal daw ang dating. Kaso minsan, “conggo” ang tawag nya – parang unggoy tuloy pakinggan. Pero okay lang, nakarma naman sha, kasi isang gabi, habang nanonood kami ng Scary Movie 3 (puro DVD lang mga pinapanuod ko nun, wala pa kasing antenna), wala kaming kamalay-malay na nanakaw na pala scooter nya sa labas ng Rev Compound. Hahaha! Uy, pero na-guilty talaga ako dun. Pramis Karlo! Di ko kasi alam na pwede palang i-park un sa loob. Hehehe.

Unti-unti, nagmukhang bahay na ang condo ko. Ayos dito, ayos doon. Kung makikita mo ang condo ko, iisipin mong ang OA ko. Di naman talaga sha ganung kalaki. Okay na para sa isang cute na katulad ko. Pero ang hirap mag-ayos ha! Salamat sa brainstorming nina Nesta at Choc, naayos din sa wakas ang condo ko. Un nga lang, hanggang ngayon, di ko pa din nagagawan ng under the sea theme. Alam mo naman ako, procrastinator.

Wala pang isang buwan, mukhang disente nang tingnan ang condo ko. Google! Salamat sa upuan na binigay ni Ate Pat, sa isa pang upuan na “hiniram” ko sa kapitbahay ko, sa table na kinuha ko sa may labas, at sa rose plant ni Alexis, voila! Home sweet home na! Aircon na lang ang kulang! Haha!

At para talagang maging bahay ang condo ko, shempre kelangan may pet. Kaya dumating si Gigi sa buhay ko. Super cute na white rabbit sha. Un nga lang, salamat sa labandera namin, di ko alam kung anu nang nangyari sa kanya. Kahapon lang, tinanong ko ung labandera kung buhay pa si Gigi. Sabi nya matagal na daw nyang dinadasalan ang puntod ni Gigi. (Genes, solved na ang misteryo sa totoong nangyari kay Gigi. Hay, sadness!)

Kung happenings lang din ang pag-uusapan, winner ang condo ko! Sa condo ko lang maraming unforgettable moments. Kahit tanungin nyo pa ang mga kaibigan ko. Nasimulan yata ng jinx ng scooter ni Karlo, kaya ayun, sunod-sunod na. Si Alexis napagtripan ng landlord namin. Si Uri nahimatay at sinugod sa ospital. At sinong Genesoc ang makakalimot sa makasaysayang cord ng electric fan?

Ano pa ba? Ah, ang Sunday Group aka Diabetics. Big Night ng PBB Season 1 nun. Sa condo kami nag-dinner. Ewan ko ba kung anung nakain namin at naisipan pa naming kumain ng Mernel’s cake at ice cream. Kumusta naman un?! Hayop sa tamis! Simula non, naging ritwal na namin na mag-dinner sa condo every Sunday. At di lang basta-basta dinner ha! Shempre sikat dyan ang tinola ni Imong na mas madami pa yatang sayote kesa manok, ang munggo ni Batfei na ipinagmamalaki nya kasi un lang ang kaya nyang lutuin, ang sopas ni Joanne na sobrang alat, at ang peyborit namin ni Yen – pritong talong!

Kung may hapi moments, may senti moments din. Pag mga ganun, shempre ako lagi ang bida. Malamang, kasi condo ko un, haller! Ang dami ko nang senti moments sa condo: pag bad trip sa org (binibili pa ko ni Yen ng Strong Ice kahit tanghaling tapat), pag bad trip sa bahay, pag heart-broken, pag windang sa thesis, pag warla sa adviser ko, at shempre, pag nanunuod ng All My Life (for the nth time). Ibang level magsenti sa condo ko. Isang beses, tinawagan ko pa si Batfei para lang damayan ako. Hanggang umaga ako ngumalngal nun, tapos pumunta kami 7-11 para kumain. Mugto ang mga mata ko, at si Batfei nakapantulog pa. Hot chicks!

Shempre, meron ding kilig moments. Di ko na mabilang. At shempre, sakin na lang un. Kaya di ko na lang sasabihin. Baka mainggit lang kayo. Bwahaha!

Naging pugad din ang condo ko ng movie marathons. Todo iyak sa “If Only”. Todo tawa sa “Sky High” (chew the wire!). Todo sigaw sa “Shutter”. Sa movie marathon din nabinyagan ang penguins. Kaya memorable saken ung first time napanuod ni Nesta ang “Madagascar”. Sa movie marathon ko din narealize na may talent pala si Pau mag-interpret ng Thai movie, at dun din namin nalaman na kamukha pala ni Chinette and bida sa “Beautiful Boxer”.

Sa TV marathons naman, si Joanne ang buddy ko. Ilang gabi din namin sinubaybayan ang Gulong na Palad at ang teleserye ni Papa Piolo, na kahit sobrang lungkot ko eh napapasigaw ako sa kilig. Oo, alam ko bading un, pero mahal ko pa din sha, kaya wag kang makialam! Shempre, di mawawala ang PBB hype. Kinabisado pa namin ni Alexis ang steps nun. Oo, ganun kami kaadik. At kung adik lang din ang pag-uusapan, Amazing Race lang ang katapat ko. Nagpapagising pa ko ng 9am para mapanuod ang premiere nun. Ang saya!

Saksi din ang condo ko sa insomnia nights ko. Kaya super close na kami ni Insomnia, kasi lagi ko syang bisita sa condo ko. Gabi-gabi. O diba, winner!

Pero hindi lang ako ang residente sa condo ko. Dati yun, pero ngayon, marami na kong hausmates. Malamang binabasa nila to ngayon, kaya babatiin ko sila. Hello kina Jao-Jao at Allison, ang first hausmates ko. Isang panda at isang aso. Cool sila, pramis! Pero mas cool si Miro, ang unggoy. Mas close sya sa mga genes, lalo na kay Batfei. Si Kulas aka Bugs Bunny, regalo lang saken. Siguro kaya nya binigay un saken in memory of Gigi. Kaya salamat na din. Hello din kay Taz, ang kapamilya ng piranha na pumatay kina P.U. at Bubble. Pakshet kang isda ka! Nagkulang ba ko ng pagpapakain sayo?! Wala kang puso! *twak* Sina Mars, Mike, Belle, Andromeda, atbp. – mga cactus sila. Kaso evicted hausmates na din sila, kasi di nila natagalan. Kung nalilito ka na, sorry ka na lang. Mahilig talaga kong magpangalan sa mga bagay-bagay, kaya kung bad trip ka na, wag kang mabasa nito!

.

.

.

Hay, ang dami na palang nangyari sa condo ko. Malapit na kasi 1st year anniv, kaya siguro nostalgic ako. Ang dami ko pang gustong isulat, pero kulang pa din kung tutuusin. Hindi ako nagsusulat tungkol sa isang lugar. Pero para saken, hindi lang basta isang “lugar” ang condo ko. Madami akong memories dun, sobra. Memorable saken un, kasi dun ako nakatira sa huling taon ko bilang estudyante. Madami akong lessons na natutunan at na-realize habang nagyoyosi sa condo ko. Madami na din akong nainom sa condo ko – beer, vodka, kape, at shempre ung tubig na galing sa gripo (potable un!). Madami nang kinupkop ang condo ko – akalain mong nagkasya ang pitong tao dun! Madami na ding nasaksihan ang condo ko – mula sa tong-its sessions hanggang sa mga usapang politikal nina Nesta at Joanne. Madami na din akong naging bisita, di ko na mabilang. Ang korni mo kung Gene ka at di ka pa nakakapunta dun. Beh!

Sa lahat ng taong nakasama ko sa condo ko sa nakaraang taon, maraming salamat. Trina, ang orig na taga-Rev, salamat sa tulong mo at sa mabango mong mga sinampay. Sa penguins, salamat sa kulitan at tawanan. Sa pagdamay saken sa paglalaro ng NFS, salamat kina Joanne at Yen. Sa DVD marathons, salamat kay Karlo. Sa pagtambay, salamat sa Genes. Sa muntik ko nang maging hausmate, salamat kay Uri. Kay Peachy, sana wag ka nang maligaw next time. Sa brods, salamat sa inuman. Sa mga bagong kapitbahay ko – kay Gi, salamat sa kulitan nung brownout; kay Phillip, salamat sa murang tequila. Sa mga naghatid saken pauwi kapag lasing ako, salamat sa inyo. Sa mga sumundo saken, salamat din. Sa mga nagkalat sa condo ko, mga hayop kayo! Sa mga pakshet na pusa sa labas, may araw din kayo saken. Kay Martha, ang pagong ng kapitbahay ko, wag mo nang hintaying painumin kita ng chloroform. At sa taong tumulong saken mula Day 1, salamat sa paglilinis ng aquarium ko at paglalagay ng bagong handle ng pinto. Alam mo na yun.

Hindi talaga ko masenti pagdating sa mga lugar. Pero iba pala kapag napamahal na sayo ang isang lugar na itinuring mong tahanan. Mahirap iwanan. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako titira sa condo ko, pero sa totoo lang, ayoko pang umalis. Pero kung sa totoong condo ako lilipat, ngayon pa lang mag-iimpake nako. Pero naisip ko, walang makakapantay sa condo ko. Diba Martha? ;>

(Note: I wrote this blog in Tagalog, para maiba naman. And I realized, I write better in English. Heehee. Wachutink?!)